Alam mo ba kung sino ang kahit isa sa mga artista sa itaas na larawan?
Malamang mayroon kang alam, dahil bahagi ang lahat ng mga ito sa mahalagang pagbabago sa kaisipan ng tao tungkol sa kabataan (mas madaming info sa blog na ito: http://youaughttoremember.blogspot.com/2009/12/11-tweens.html). Sa bandang gitnang bahagi ng dekadang 2000, biglang nakita ng mga malalaking kumpanya ang potensyal ng negosyo na kayang dalhin ng isang bagong demograpika ng kabataan: ang mga “tween” (dahil sa dami nila). Ang resulta nito? Ayon kay Wee (2010), ito ang pagkadami ng mga produktong ibinibenta sa kanila.
Mayroong iba't ibang kahulugan ang terminong “tween” ayon sa iba't ibang sanggunian. Isang sa mga ito ay galing sa Dictionary.com 10 hanggang 12 taong-gulang habang ayon sa Merriam Webster dictionary, sinasabi na 11 hanggang 12 taong-gulang ay maituturing tween. Kung titingnan ito naman bilang demograpiko, maaring kilalanin ang mga batang pito hanggang 13 taong-gulang bilang isang tween (depende sa sanggunian kung saan ka tumingin). Gayunpaman, may isang bagay na kapares sa lahat ng kahulugan: dahil kinuha ito sa salitang Ingles na “between,” nilalarawan nito ang panahon na sa pagitan ng pagkabata at pagiging tinedyer. Gusto ng karamihan ng mga tween na maging tinedyer, ngunit ang kanilang pag-iisip ay kaparehas pa sa bata.
Inilimbag ng Summit Media Corporation ang unang isyu ng Total Girl Philippines noong Setyembre 2004. Pinapatunayan ng publikasyon na ito ang pagkapansin ng lipunan sa lumalawak na merkado para sa mga tween.
Ang susunod ay isang analisis ng Setyembre 2006 isyu ng Total Girl na nagtataglay ng ibang detalye na ipinapakita ang kamalayan ng panahon kung kailan ito inilimbag.
1.) Marami sa nilalaman ay naka-pokus sa mga artista (kapwang lokal at banyaga)
Sa mata ng mga tipikal na tween sa henerasyon na iyon, ang mga artista ay ang pinakamagandang ehemplo ng perpeksyon, isang katangian na inaasahan nilang makamit. Karamihan sa mga na-feature ay ang mga Amerikanong artista tulad ni Miley Cyrus, Hilary Duff, at ang cast ng High School Musical.
2.) Nagsimula na ang paggamit nila ng bagong teknolohiya tulad ng cellphone at kompyuter, ngunit buhay pa ang gawi ng pagpapadala ng sulat o "snail mail."
Ayon sa Marketing Sherpa, "the media habits of these 8- to 12-year-olds include TV, radio, magazines and video games..."
3.) Mahalaga ang relasyon nila sa kanilang mga kaibigan.
*Paraan ng pag-iisip
2.) Nagsimula na ang paggamit nila ng bagong teknolohiya tulad ng cellphone at kompyuter, ngunit buhay pa ang gawi ng pagpapadala ng sulat o "snail mail."
Ayon sa Marketing Sherpa, "the media habits of these 8- to 12-year-olds include TV, radio, magazines and video games..."
3.) Mahalaga ang relasyon nila sa kanilang mga kaibigan.
Ang isa sa mga gusto ng isang tween ay makipag-usap sa kanilang mga kaibigan. Ayon sa Aefflect Inc. (2000), they begin to
ask for special privileges and seek out a greater alliance with their
friends.” Sa panahon ng 2000s, ang pangunahing paraan ng pakikipag-usap ay ang pag-uusap nang nakaharap ang dalawang tao, pagtawag gamit ang telepono, o pagpadala ng sulat gamit ang e-mail.
*Paraan ng pag-iisip
Mga Sanggunian:
"Marketing to Tweens: Data, Spending Habits + Dos & Don’ts to Reach This Fickle Age Group." MarketingSherpa. Meclabs. 28 June 2009. Web. 10 July 2014.
Jayson, Sharon. "It's cooler than ever to be a tween, but is childhood lost?" USA Today. 4 Feb. 2009. Web. 10 July 2014.
Matic, Shiloah. Total Girl Philippines. Philippines: Summit Media, 2006. Print.
"Tween." Dictionary.com. Web. 11 July 2014.
"Tween." Merriam-Webster.com. Web. 11 July 2014.
"Tween." Merriam-Webster.com. Web. 11 July 2014.
Sigl, Matt. “#11-Tweens.” You AUGHT to remember. Blogger. Web. 11 July 2014.
Wee, Valerie. Teen Media: Hollywood and the Youth Market in the Digital Age. Jefferson, N.C.: McFarland, 2010.
Mga imahe galing sa:
Mga imahe galing sa:
- http://movies.disney.com/high-school-musical
- http://en.wikipedia.org/wiki/That's_So_Raven_(soundtrack)
- http://hannahmontanagallery.blogspot.com/2010/05/hannah-montana-season-1-photoshoot-n-2.html
- http://disneychannel.disney.com/the-suite-life-of-zack-and-cody
- http://movies.disney.com/lizzie-mcguire







